ADVISORY
Bilang bahagi ng pag-update sa database ng mga Overseas Filipinos at Contingency Plan ng Embahada, inaanyayahan ang lahat ng mga Pilipino sa Jordan na sagutin ang isang online citizen registration form na matatagpuan sa sumusunod na link:
Citizen Registration for Filipinos in Jordan
Layunin ng Embahada, sa pamamagitan ng project na ito, na agarang makatugon sa pangangailangan ng mga Pilipino sa Jordan kapag may sakuna o di inaasahang pangyayari.
Para sa mga katanungan, magsend lamang ng message sa FB messenger ng Embahada. Maraming salamat po!