MENU
×

Warning

JUser: :_load: Unable to load user with ID: 654

Mga Babala sa Pagbiyahe

Dito mababasa ang pinakahuling mga inilabas na babala ng Pasuguan hinggil sa maaring panganib sa kaligtasan kaakibat ng pagbiyahe sa isang lugar na may naipaulat na banta o panganib. Ugaliing pasyalan ang bahaging ito ng website upang laging sapat ang kaalaman at mapairal ang pag-iingat.

Babala sa Posibleng Panganib sa Aqaba

TRA-01-2010:

Batay sa impormasyong natanggap na nararapat bigyan ng karampatang katugunan, naipaulat ng ilang Pasuguan sa Amman na may banta ng panganib sa rehiyon ng Aqaba, sa katimugan ng Jordan. Binibigyang babala ng Pasuguan ng Pilipinas sa Amman ang lahat ng Pilipino na ipagpaliban ang lahat ng personal at di-kinakailangang pagbiyahe sa Aqaba sa loob ng susunod na 48 oras.

Para doon sa mga Pilipinong nakatira at nagtratrabaho sa Aqaba:

  • Iwasan ang matataong lugar sa bayan at sa may pantalan.
  • Pairalin ang ibayong pag-iingat.
  • Manatili na lamang sa tirahan kung hindi naman kailangan ang paglabas.
  • Kung kailangang lumabas o pumasok sa trabaho, maging mapagmasid sa iyong kapaligiran.
  • Huwag humimpil ng matagal sa isang lugar.

Para sa karagdagang impormasyon o kung may ibig iparating na impormasyon sa Pilipinas, tumawag lamang sa mobile hotline ng Pasuguan sa +962 77 743 5435. Ipinakikiusap din ng Pasuguan na ipagbigay-alam ang babalang ito sa lahat ng kakilala ninyo na nasa Aqaba o maaring magtungo roon sa susunod na 2 araw.