MENU
Embassy News
Thumbnail PH Embassy, MWO-Jordan, Conduct Orphanage Visit Upper Left Photo, L-R: Representatives of the PH Embassy in Amman and Migrant Workers Office (MWO)-Jordan with Dr. Sana Al-Nuaimat, Director at the Al Hussein Social Center for Orphans (center) during a visit to the non-marital Filipino children at the facility on 16 April 2025 in Amman, Jordan –Photos by Amman PE   AMMAN, 16 April 2025 -...
More inEmbassy News  
Announcement
×

Notice

Folder doesn't exist or doesn't contain any images

TRA-01-2010:

Batay sa impormasyong natanggap na nararapat bigyan ng karampatang katugunan, naipaulat ng ilang Pasuguan sa Amman na may banta ng panganib sa rehiyon ng Aqaba, sa katimugan ng Jordan. Binibigyang babala ng Pasuguan ng Pilipinas sa Amman ang lahat ng Pilipino na ipagpaliban ang lahat ng personal at di-kinakailangang pagbiyahe sa Aqaba sa loob ng susunod na 48 oras.

Para doon sa mga Pilipinong nakatira at nagtratrabaho sa Aqaba:

  • Iwasan ang matataong lugar sa bayan at sa may pantalan.
  • Pairalin ang ibayong pag-iingat.
  • Manatili na lamang sa tirahan kung hindi naman kailangan ang paglabas.
  • Kung kailangang lumabas o pumasok sa trabaho, maging mapagmasid sa iyong kapaligiran.
  • Huwag humimpil ng matagal sa isang lugar.

Para sa karagdagang impormasyon o kung may ibig iparating na impormasyon sa Pilipinas, tumawag lamang sa mobile hotline ng Pasuguan sa +962 77 743 5435. Ipinakikiusap din ng Pasuguan na ipagbigay-alam ang babalang ito sa lahat ng kakilala ninyo na nasa Aqaba o maaring magtungo roon sa susunod na 2 araw.